PH Sunrise 37 - Childhood of papa
- solsetbea
- May 11, 2022
- 2 min read
Updated: May 11, 2022
We visited my father's childhood stomping grounds located in the rainforest province of Isabela. Each destination made on this 3-day journey of winding hills through the province's mountainous terrain provided me with magical insight into what brought 1/2 of me into this world.

Destination 1 - A birthday fiesta. It's no surprise to me now that Filipinos will always execute a good party. Of course I already know this after witnessing the parties my mom hosted at our home. Here, we were welcomed to a birthday party of a distant relative. A banquet preparation that took a day in advance and an entire household to come together.
Insight(s) - My dad's natural "giver" quality was made best through his childhood involvement in such familial events.
Destination 2 - The home my dad was raised in. A property, with a wooden home on stilts and land to cultivate on, being in close proximity to his elementary school and the river he washed in. To this day, my dad says this experience "provided so much joy, and looks back with nothing to complain about".
Insight(s) - My dad's humble beginnings taught lasting gratitude.



Destination 3 - A late afternoon riverside feast. Delicacies presented from another party of distant relatives who raise fish, chicken, and produce on their farm. Said delicacies were made fresh from the product of said farm.
Insight(s) - My dad was raised with habitual notions of stoicism and hard work. He grew up working on his family's farm similar to the one on this visit.
Destination 4 - Tita after Tito after Tita's home. We made 4 different stops to homes graced with the beauty of women and men of distant relationships. A great aunt, the ex-town mayor, and my new 8-year old big-eyed friend (just to call a few) - welcomed us with a variety of smiles and walks of Isabela life.
Insight(s) - My family and our experiences only get bigger and brighter.

Destination 5 - The 40-year high school reunion. My favourite and last stop on this journey. The energy and love in this room full of people who haven't seen each other in 40 years gave me overwhelming delight. The best part was watching my dad glowing as he celebrated with the people who cherished his life before he met my beautiful mama. The Filipino cover band, alumni mic-stealing karaoke, and butterfly dancing was just the chef's kiss.
Insight(s) - A synergetic room of healthy and happy guests that have made it to this point is true evidence that blessings can be found anywhere and are to be celebrated.
It's difficult to describe the intense emotions I feel looking back at this trip. It's as if I lifted the curtain to my big bang. With my personal understanding that comes from it, I'll forever call Isabela my magical rainforest - with the people, the earth and my papa that thrive from it being the true source of its magic.
Pagsasalin sa tagalog:
PH 37: Pagkabata ni papa
Binisita namin ang lugar kung saan ipinanganak ang aking ama na matatagpuan sa lalawigan ng Isabela. Ang bawat destinasyon na napuntahan namin sa loob ng tatlong araw na paglalakbay na ito kung saan kami ay napadaan sa mga burol at sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan ay nagbigay sa akin ng mahiwagang pananaw sa kung ano ang nagdala ng kalahati ng aking pagkatao sa mundong ito.
Unang Destinasyon - Isang pagdiriwang ng kaarawan ng kapanganakan. Hindi na nakapagtataka sa akin ngayon na ang mga Pilipino ay palaging marangya pagdating sa mga pagsasalu-salo kung may okasyon. Syempre alam ko na ito dahil sa madalas kong maranasan ang ganitong pagsasalu-salo tuwing naghahanda ang aking ina. Sa destinasyon na ito, tinanggap kami sa isang pagdiriwang ng kaarawan ng kapanganakan ng isang malayong kamag-anak. Isang paghahanda at pagsasalu-salo na inabot ng buong araw at buong sambahayan upang magsama-sama.
(Mga) Pananaw - Dahil sa pagdamay ng aking ama nuong siya ay bata pa sa ganitong pagsasalu-salong ay nahubog ang kanyang murang isip upang maging natural sa kanya ang maging mapagbigay.
Pangalawang Destinasyon - Ang tahanan kung saan lumaki ang aking ama. Isang ari-arian, na may bahay na gawa sa kahoy at nakapatong sa mga malalaking poste at lupang maaaring mapagtaniman, na malapit sa kanyang eskwelahan at sa ilog na kanyang pinagtatampisawan. Hanggang ngayon, sinasabi ng aking ama ang karanasang ito ay "nagbigay ng labis na kagalakan, at wala ni isang hinaing tuwing ito'y kanyang binabalik tanawan".
(Mga) Pananaw - Ang mapagkumbabang simula ng aking ama ay nagturo ng pangmatagalang pasasalamat.
Pangatlong Destinasyon - Isang hapong pagsasalu-salo sa tabing-lawa. Mga pagkain na inihanda ng isang kamag-anak na nag-aalaga ng mga manok, isda, prutas at gulay na ani sa kanilang sakahan. Ang lahat ng mga pagkaing ito ay sariwa mula sa produkto ng nasabing sakahan.
(Mga) Pananaw - Ang aking ama ay pinalaki na may nakagawiang paguugaling matiisin at masipag. Lumaki siyang nagtatrabaho sa bukid ng kanyang pamilya na katulad ng sa pagbisitang ito.
Pangapat na Destinasyon - Sunod-sunod na pagbisita sa mga bahay ng mga Tito at Tita. Gumawa kami ng apat na magkakaibang paghbisita sa mga tahanan na pinalamutian ng mga naggagandadan at naggaguwapuhang mga kamaganak. Isang magaling na tiyahin, isang dating alkalde ng bayan, at ang aking kamangha-manghang bagong kaibigan na walong taong gulang pa lamang (para bigkasin lang ang iilan) - ang sumalubong sa amin ng may iba't ibang ngiti at karanasan ng buhay Isabela.
(Mga) Pananaw - Ang aking pamilya at ang aming mga karanasan ay pawang lumalaki at lumiliwanag.
Panglimang Destinasyon - Ang apatnapung taong high school reunion. Ang aking paborito at huling destinasyon sa paglalakbay na ito. Ang sigla at pagmamahal sa loob ng silid na ito na puno ng mga taong hindi nagkita sa loob ng apatnapung taon ay nagbigay sa akin ng labis na kasiyahan. Ang pinakamagandang bahagi ay makita ko ang aking ama na labis ang saya habang ipinagdiriwang nila ang kanilang kabataan bago pa niya nakilala ang aking ina. Ang Filipino cover band, ang mga kaklaseng mahilig magkaraoke, ang mga sumasayaw na parang paru-paro ay sadyang nakamamangha.
(Mga) Pananaw - Ang kabuuan ng malulusog at masasayang mga bisita sa loob ng silid na ito at umabot sa puntong ito ay totoong katibayan na ang mga pagpapala ay matatagpuan kahit saan at maipagdiwang ito.
Mahirap ilarawan ang matinding emosyon na naramdaman ko sa aking pagbabalik tanaw sa paglalakbay na ito. Sa aking pansariling pang-unawa na nagmumula dito, habambuhay kong tatawagin ang Isabela na isang mahiwagang kagubatan - kasama ang mga tao, ang lupa at ang aking ama na nabuhay dito, ang siyang tunay na pinagmumulan ng mahika nito.
Comments