Work. Work?
If I could capitalize an interrogation point, I would - especially when describing what the word "work" meant to me before accepting this pilgrimage and taking time off of it. When I look back, did my labour actually provide any fruit?
I've now redefined work as the product of the habits we form. What it means for the systems we wish to achieve, for ourselves and for the world around us. I am resolute with the idea that a renewal of daily integrated habits have given me some sense of being, especially while I am on sabbatical.
Thanks to my Tita Led and Tito Alex's introduction to a local Sunday service, along with some pieces of travelling literature, I've been able to find some a-ha understandings to the notion of my question mark.
In Quezon City, I shop the bounty of fruit stands at Farmer's Market, each similar of it's orientation and colorful product to the stand beside it, and pick out bananas from Davao, mangoes from Bulacan, and dragon fruits from Ilocos. The fruit stands are displayed almost exactly the same the next day, as if shoppers never grazed it. This is the product of the daily habits supplied from each shareholder of the fruit - the bright-eyed and smiley cashiers selling them, the local farmers producing them, the supply chain drivers transporting them between Philippine provinces.
I have a new goal with work. Whatever I do with it, I better be as bright-eyed and smiley as those last-stop cashiers providing me my fruit. I've been used to the thought that the way to get over grief and trauma is through an egocentric approach to my work. That the more successful or productive I am with work, the happier and less reminded I am of negative thoughts. I've grown to learn that it's not the goal of production with work, but our relationship with these systems - individually, and within the community and it's resources, that give us purpose.
Whether or not you're religious or follow prayer, it's been evidenced by countless literature that redefining habit to ritual in our day to day provides a sense of meaning, or being - not only for ourselves, but for the people touched by our vocation and the earth we step on to perform it.
Inspired Literature: The Power of Ritual by Casper Ter Kuile, Atomic Habits by James Clear
Location: Baliuag, Bulacan, Philippines
Pagsasalin sa tagalog:
PH Paglubog ng araw 17: Bunga ng ating paggawa
Trabaho. Trabaho?
Kung maaari kong ipahayag ang isinasaloob ko, gagawin ko - lalo na kapag naglalarawan kung ano ang ibig sabihin ng salitang "trabaho" sa akin bago ko tanggapin ang paglalakbay na ito at kusa rin akong magpahinga dito. Sa aking pagbabalik-tanaw, mayroon ba talagang bunga ang aking pinaghirapan?
Binago ko na ngayon ang aking pananaw sa trabaho na ito ay isang produkto ng mga bagay bagay na nakaugalian na nating gawin. Ano ang ibig sabihin nito para sa mga sistemang nais nating makamit, para sa ating sarili at para sa mundong ginagalawan natin. Matibay ang aking paniniwala na ang pagbabago ko sa mga bagay bagay na dati ko nang nakagawian ay nagbigay sa akin ng panibagong pananaw, lalo na habang ako ay nasa aking mahabang pagliliwaliw.
Salamat sa pagpapakilala ng aking Tita Led at Tito Alex sa isang lokal na serbisyo tuwing Linggo, kasama na rin ang ilang panitikan na lagi kong dala, nakahanap ako ng kasagutan sa aking mga katanungan.
Mapapansin mo ang kasaganaan ng mga prutas sa Farmers Market sa Quezon City kung saan ako ay namimili. Bawat tindahan ay magkakahalintulad pagdating sa maayos na pagkakasalinsin ng mga kulay ng mga prutas na tinda nito. Bumili ako ng mga saging mula sa Davao, mangga mula sa Bulacan, at mga dragon fruit mula sa Ilocos. Ang kaayusang ito ay makikita mo sa mga tindahan araw araw, na parang hindi ito nabawasan ng mga mamimili. Ito ang produkto ng isang bagay na nakaugailan na ng mga taong ang tanging hanapbuhay ay ang mga prutas na kanilang itinitinda - ang matingkad at nakangiting mga tindera na nagbebenta ng mga ito, ang mga lokal na magsasaka na nagtatanim ng mga ito, ang mga pahinanteng nagaangkat ng mga produktong ito mula sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Mayroon akong bagong layunin sa trabaho. Anuman ang gawin ko, mas mabuting maging maliwanag ang mga mata ko at nakangiti ako gaya ng mga taong binilhan ko ng mga prutas. Nakasanayan ko na, na ang paraan para maalis ang aking kalungkutan at pananakit ay sa pamamagitan ng isang makasariling pamamaraan pagdating sa aking trabaho. Na kung mas matagumpay o mas produktibo ako sa trabaho, mas masaya ako at hindi gaanong napapaalalahanan ng mga negatibong kaisipan. Natutunan ko na ang layunin sa trabaho ay hindi lamang upang matapos ito, ngunit ang ating kaugnayan sa mga sistemang ito - sa ating sarili, at sa loob ng komunidad at ang kayamanan nito, ang nagbibigay sa atin ng layunin.
Maka Diyos ka man o hindi, napatunayan ng hindi mabilang na mga panitikan at akda na ang pagbabago ng anumang ating nakaugalian at gawin itong ritwal sa ating pang araw-araw na buhay ay nagbibigay ng kahulugan, o pananaw - hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa mga taong naantig ng ating gawain at ang lupang ating inaapakan upang maisagawa ito.
Comments